"Mama unang-una nais ko pong humingi ng tawad sa nagawa ko," mahinahon na saad ni Harvey sa Mama nito habang mahigpit nitong hawak ang kanyang kamay at nakatayo sila sa tapat ng Mama nito, nasa tabi lang din si Inigo na nakikinig sa kanila, medyo awkward nga dahil may ibang tao, pero ok na ito kesa naman kay Nicole na susulsul pa panigurado kung narito iyon, at least si Inigo tahimik lang at hindi makikialam sa issue nila. Mapagkakatiwalaan pa si Inigo. "Sana pinag isipan mo muna ng isang daan beses Harvey bago mo ginawa!" Galit pa rin ang biyenan sa anak nito at masamang tingin pa ang pinukol nito sa kanya. Mas lalo itong magagalit pag sinabi na nila na kasal na sila ni Harvey at mag asawa na ngayon. Nagsasama na at bubuo na ng kanilang pamilya. "Mahal ko po si Ava, Ma kaya-" "Mahal! W

