Chapter-54

1505 Words

Kapwa na sila hinihingal ni Harvey nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Katulad rin kagabi hindi na naman niya nagawang pigilan ang kanyang sarili. Hinayaan na naman niyang mahalikan siya ni Harvey habang nasa labas lang si Philex at naghihintay sa kanya. Pakiramdam niya isa siyang masamang babae, maruming babae. Mabilis niyang tinulak si Harvey habang kapwa taas, baba ang kanilang mga labi. Pinagpasalamat niyang walang pumasok sa powder room na iyon habang magkalapat ang kanilang mga labi. "Hindi na dapat pa itong maulit Harvey. Ito na ang huli!" Mariing saad niya sabay punas sa kanyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. Masamang tingin din ang pinukol niya rito. Hindi naman ito kumibo sa kanya, umigting lang ang panga nito na tila lalong nagpalakas sa dating nito at nagpagwapo ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD