Madilim na ang buong paligid nang magmulat siya ng mga mata. Dala ng sobrang pagod at kakulangan ng tulog kaya marahil hindi niya namalayan na napahaba ang kanyang tulog. "Nakakahiya kay Harvey,' saad niya at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Agad siyang bumaba ng kama at lumakad palapit sa may makapal na kurtina. Hinawi niya iyon para masilip ang labas. Madilim na nga pero may mga ilaw sa labas ng hardin kaya naman nasilayan niya ang magandang view sa labas. Napangiti siya dahil napakagaan ng ambiance sa buong bahay ni Harvey. Na para bang kung dito siya mag stay mag he- heal ang lahat ng kanyang pinagdadaanan. "So, beautiful," bulong niya habang may ngiti sa labi. Nag ayos lang siya saglit para naman hindi siya mukhang bagong gising bago siya lumabas ng silid at nagtuloy sa pagbab

