"Teka sandali, Ava. Sinabi mo na mahal mo ko?" Tanong niya rito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sunud-sunod na tango ang naging tugon sa kanya ni Ava habang nakatingin sa mga mata nito. "Mahal kita Harvey. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa iyo mula pa noon,' tugon nito sa kanya. "Oh.. Sweetheart," he said sabay kabig sa dalaga at hinalikan ng paulit-ulit ang labi nito. Hindi siya makapaniwala na mahal pa rin pala siya ni Ava. Kung alam lang niya sa simula pa lang hindi na niya pinagmalupitan pa si Ava, di sana iba ang naging sitwasyon nila ngayon. Kung sana nagkaroon lang siya ng lakas na loob na aminin rito ang damdamin niya, di sana hindi na sila nagkasakitan pa ng damdamin ni Ava. Kung bakit naman kasi tinatak niya sa kanyang isip na nais niyang gantihan si Ava, kahit wa

