Kinabukasan nauna siyang nagising kay Ava. Pagmulat niya ng mga mata mahimbing pa rin ang tulog nito. Dahan-dahan na lang siyang lumayo rito at kumalas ng pagkakayakap para hindi na niya ito ma istorbo pa. Kailangan kasi niyang matawagan si Inigo para kumustahin ang Mama niya. Masyado siyang naging busy kahapon at hindi na niya natawagan pa ang kaibigan. Isa pa nais rin niya itong makausap para sabihin ang kanyang plano. Kung ikakasal kasi sila ni Ava, dapat ay may saksi sa gaganaping seremonyas, at si Inigo ang tanging naiisip niya na pwedeng maging saksi. Wala na kasi siyang ibang kaibigan na pwede niyang tawagan. Isa pa hindi na niya pwedeng ipagpaliban pa ang pagpapakasal kay Ava dahil baka matuntun na sila ng Daddy nito at bawiin sa kanya si Ava. At least kung kasal na sila ni Ava, wa

