Natulala siya sa sinabi ni Harvey sa kanya, ni hindi siya nakagalaw at nakakurap man lang. "Wala pa akong engagement ring ngayon dito pero pwede akong bumili bukas na bukas at pagkatapos magpakasal na rin tayo kung papayag ka Ava," saad nito sa kanya. "Wala naman ng dahilan pa para hindi ka pumayag, isn't mahal mo ko at nagmamahalan tayo,' patuloy ni Harvey sa kanya. "Ava, please say something,' Harvey said dahil hindi pa rin siya kumikibo lumipas na ang ilang segundo. Masyado siyang natulala at hindi malaman ang isasagot. Masyadong mabilis para sa kanya ang lahat, pero saan pa ba sila papunta ni Harvey? Hindi ba't mahal naman nila ang isat-isa kaya tama lang na ikasal na nga sila para makapagsama na sila at makabuo na sila ng pamilya. Bakit pa nga bila patatagalin pa eh doon naman din

