"Good morning, sweetheart," bati niya kay Ava nang magmulat ito ng mga mata. Kanina pa siya gising at nakatitig lang siya sa maganda niyang asawa na mahimbing pa ang tulog kanina, kaya naman sa pagmulat nito siya ang unang nakita ng mga mata nito. At ito na ang magiging view niya araw-araw magmula ngayon. "Good morning, Harvey," bati rin nito sa kanya sa tinig na bagong gising, malat pa ang boses nito pero para sa kanya sexy iyon. "Stop look at me,' saad nito at mabilis na tinakpan ang mukha nito sa kamay. "Why?" Nakangiti tanong niya rito. "I'm ugly," tugon nito sa kanya at lalo pang tinago ang mukha nito sa kanya. "Ava,' tawag niya sa dalaga na mamaya lang ay magiging asawa na niya. "Kahit ano pa ang itsura mo sa umaga, ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ko Ava," saad niya

