Pagdating nila ni Ava sa simbahan una niyang napansin ang mamahaling sasakyan ni Inigo sa labas ng simbahan. "Inigo is here," saad niya kay Ava na nakaupo sa passenger seat. "Nauna pa siya sa atin,' saad nito. "Makikilala mo na rin siya sa wakas at makikilala ka na niya. Siya nga pala palabiro si Inigo baka biruhin ka niya huwag kang mapikon sabayan mo lang,' paalala pa niya kay Ava. Panigurado kasing eeksena si Inigo kay Ava mamaya. Magbibida-bida ang kaibigan niyang iyon. "Don't worry, kaya kong sumakay sa mga biro,' tugon nito sa kanya. Ngumiti siya at niyaya na niya itong bumaba. Dahil na rin sa gentleman siya nauna na siyang bumaba para pagbuksan ito ng pintuan. "You are so beautiful," puri niya sa asawa nang makababa na ito ng passenger seat. "Salamat, kanina mo pa sinasabi

