Pag uwi nila ng bahay wala na si Inigo at ang Mama ni Harvey, nagpahatue na daw pauwi ang Mama ni Harvey at hindi na sila nito naghintay pa. Nagbilin na lang daw kay Inigo na tawagan ito ni Harvey. Medyo nadismaya siya dahil ramdam niyang wala talagang pakialam sa kanya ang biyenan, nahimatay na nga siya lahat-lahat, pinili pa rin nitong umuwi na kesa sa alamin ang nangyari sa kanya. "Sa susunod na lang natin sasabihin sa kanya," saad ni Harvey matapos makausap si Inigo. Hindi rin muna sinabi ni Harvey kay Inigo ang pagbubuntis niya, baka daw kasi madulas ang kaibigan nito at masabi sa Mama niya. Mas maganda kase na saknila na magmula ni Harvey ang tungkol sa pagbubuntis niya. "Ok lang hayaan mo na, makakausap pa naman natin siya sa susunod, doon na lang natin sabihin sa kanya ang tungko

