"It's ok, sweetheart, mabait si Mama, intindihin mo na lang siya, hindi ganun kadali sa kanya ang mag move on dahil sa dinanas ko," saa ni Harvey sa kanya nang nasa tapat na sila ng gate ng bahay ng Mama nito. Sumama siya sa asawa para makausap na rin ang Mama nito at sabihin na ang tungkol sa baby nila. "I know, Harvey and I understand her. Magiging ina na rin ako at alam kung anong klaseng pagmamahal meron ang isang ina," she answered. "Thank you, sweetheart,' pasalamat sa kanya ng asawa at kinuha ang kamay niya sabay halik roon. "I love you, sweetheart,' Harvey said. "I love you," she said. "May bisita yata ang Mama mo?' Tanong niya sa asawa nang mapansin ang isa pang sasakyan sa may garahe nang makapasok na sila sa loob ng bakuran. "Si Nicole," tugon nito sa kanya. "Si Nicole, h

