"Tita masyado naman kayong nagmamadali na tanggapin sila, matapos ang mag ginawa ni Ava kay Harvey!" Pangingialam muli ni Nicole. Ayaw pa talagang matahimik ni Nicole at ayaw nitong i give up si Harvey, kahit obvious naman na wala na itong pag asa pa kay Harvey, dahil kasal na sila ni Harvey at magkaka anak na. Mabubuo na ang kanilang pamilya. "Nicole, tama na,' Harvey said. This time malumanay na ang tinig ng asawa, marahil ayaw na nitong patulan pa si Nicole. "Yes, Nicole tama na, hayaan na natin sila. Alam naman natin sa simula pa lang na hindi sila mapaghiwalay, dahil mahal nila ang isat-isa. Wala tayong laban sa taong nagmamahalan, Nicole," litanya ng Mama ni Harvey kay Nicole. Nanatili siyang tahimik at hinayaan na lang ang mag ina na paliwanagan si Nicole at tanggapin na ang kato

