Wedding Day; "Ate wala ka na bang magagawa para hindi matuloy ang kasal na ito?" Malungkot na tanong sa kanya ni Avie nang maiwan silang dalawa sa loob ng hotel room kung saan sila inaayusan para sa gaganaping kasal maya-maya lang. Handa na ang lahat at wala na siyang kawala pa. Hindi na siya pwedeng umatras pa, ito na araw ng kasal niya kay Philex, at ito na rin ang araw na para na niyang papatayin ang kanyang sarili, lalo na ang kanyang puso na ang sinisigaw ay si Harvey. Malakas ang sigaw ng kanyang puso pero hindi iyon marinig ni Harvey, kaya wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin na lang ang kanyang kapalaran. Ang kapalaran na hindi niya makakasama ang lalaking kanyang minamahal. "Wala na Avie, wala ng pag-asa," malungkot niyang tugon sa kapatid. "Kung tumakas ka na kaya Ate,"

