"Ano pong nangyari dito?" kunot noong tanong ko pagkapasok ko ng bahay. I've already dried off my tears and composed myself. Hindi maaring makita nila ako sa ganoong sitwasyon. Naabutan ko si daddy na nakaupo sa pangisahang sofa at minamasahe nito ang kaniyang sentido. Napapikit ang mga mata nito at nagtatagis ang mga bagang. Worried crept into my chest. Kahit naman masama ang loob ko sa kaniya, tatay ko pa rin siya. I'm still worried. "May pumuntang lalaki dito kanina at nakipag argumento sa tatay niyo, hija," sagot ni Manang Marites. "Mukhang hindi maganda ang naging sagutan nila dahil lumabas din kaagad ito sa opisina ng daddy mo." Was it Icarus? "A-ano raw po ang dahilan?" Nagkibit balikat si Manang. "Hindi ko alam, hija, eh..." Lumapit ako kay Isha, umiiyak ito habang pinapa

