Chapter 24.2 Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa madamong sahig nang makaramdam ng lamig sa katawan. Iniisip ko ang kapakanan ng bata kung sakaling magkasakit ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagdadalang tao ako. It seems so surreal. Parang kahapon lang no'ng grumaduate ako ng elemenatary tapos ngayon ay magkakaanak na ako. Pinagpagan ko pang-upo habang nakatingin sa puntod ng mga namayapa kong mga magulang. "Ma, Pa, hindi na po ako magtatagal. Uuwi na po ako," I said and smiled sadly. Halos mag-iisang akong namalagi rito habang kinakausap sila. Hindi naman mainit dahil may matatayog na puno ang nag-p-protekta sa akin mula sa sikat ng araw. "Hmm, sa susunod po ay sisiguraduhin kong magkasabay kami ni Seth pumunta dito... at siguro 'pag nakapanganak na ako

