ma'am kain na po tayo " sambit ko kay madamme marites.
masyadong strikta, maganda at maputi si madamme....
okay naman sila mag asawa sa akin, kahit papaano ay medyo mabait naman sila sa kin
3months na ako sa kanila noon pero pakiramdam ko parang baguhan lamang ako. hindi ko pa kasi nakukuha masyado ang loob ni madamme ko ewan ko ba ngseselos ata siya pero hindi naman ako maganda tulad niya para gustuhin ng asawa niya, si ma'am ay isang Doctor, si sir naman ay abala sa kanilang maliit na business. ngtitinda sila ng mga bigas sa sta.mesa.
at kapapanganak lng ni ma'am ng dumating ako sa kanila. ng aalaga din pla ako ng bata kapag natapos ko na laht ang aking gawaing bahay.
pero kadalasan si ma'am ang ng aalaga talaga.
" masarap ka pala magluto ah luz.sabi ni ma' am at sir sa akin.
"saan mo ito natutunan luz?
"ang galing mo magluto na sa edad mong yan..
natuwa ako sa mga papuri nila sa akin. kaya mas lalo ko naman ito ginalingan.
buwan ng june noon ng sabihan akong baka daw magbakasyon sila at kasama raw ako. sobrang saya ko noon. sabi ko makikita ko rin ang mahal kong pamilya, sobrang namimiss ko na kasi sila.
dumating na nga araw na kung kelan kmi mgbabakasyon noon. "luz uuwi tayo bukas ng umaga. "talaga po ba?parang gusto kong tumalon at yakapin si ma'am....
" oh mag impake ka na ng mga gamit mo ah sabi ni madamme habang naglilinis ako sa kwarto nila..
tuwang tuwa ako noon kasi sigurado ako uuwi at papasyal din ako sa aming baryo...magpapa alam ako sa kanila na uuwi ako saglit para makita sila inay, itay at mga kapatid ko..
biglang buhos ng malakas na ulan ng mga oras na iyon,
baka hindi daw kami makakauwi kapag ganon ang panahon, hindi daw kayanin ng eroplano ang lumipad kapag masama ang panahon...at hindi nga kami naka uwi. hindi tumila ang ulan? umiiyak akong patago. ayaw kong makita ako ng ma'am ko na ganito ang nararamdaman ko.
sobrang mugto ng mga mata ko kinabukasan, hindi ko kasi mapigilan ang umiyak nung gabi'y na yon.
lumipas ang pa ang buwan ....
sobra na akong nalulungkot noon.
at tuwing sabado, nililinis ko yung ding ding namin sa labas bahay. alas nuebe palang pero sobrang init na ang sikat ng araw. pawis na pawis ako. at habang
nglilinis ako ng pader may tumawag sa aking pangalan....
"linda........
iisang tao lamang ang tumatawag sa pangalan kong iyon. pero hindi... kasi nasa maynila ako at nasa probinsya ang aking itay.
Opo ang aking tatay lamang ang tumatawag sakin ng "LINDA" wala ng iba.pero bakit my tumawag sakin ng pangalan na iyon?
dahan dahan akong lumingon...
"boses ng aking tatay yun. hindi ako pwedeng magkamali....
"hindi ako maaring magkamali, at unti unti nga akong lumingon sa likuran ko ...
"siya nga aking tatay ...." tay ba't po kayo nandito? sabi kong mangiyak iyak na ako...
"anong ngyri po bakit po kayo napasugod dito?
"sabay umiyak na ako...
"unti unting lumuha ang mga mata ni itay.
"anak mag impake kana umalis kana dito. kukunin kana namin dito anak.sumama ka sa amin ng kuya ambeng mo. at pupuntahan din natin ang ate mo sa paranaque.
dali dali na nga akong ngpa alam at pinabulaanan naman ni ma'am ang pag alis ko.
si kuya ambeng ay asawa ng aking pinsan na ngtrtrabho sa baclaran.
hindi ako makapaniwala na sumugod ang itay sa maynila upang hanapin kami ni ate.
nabalitaan daw niya kasi na nahihirapan na ako sa trabaho ko.
at namimiss na daw niya kmi.
umiiyak siya noon.
kinabukasan ay umalis kmi ng maaga sa bahay ng aking pinsan at sinamahan ulit kmi ni kuya ambeng sa pg hahanap kay ate.at
hindi kami nabigo.nakita at nahanap namin si ate kaagad. nglalaba siya nung mga oras na iyon sa labas ng bahay nila .
isinama namin siya sa bahay ni kuya ambeng pero hindi siya uuwi muna sa probinsya.ngtataka lamang ako kung paano bumayahe si itay sa ganoon kalagayan.
my sakit ang itay. pero pinilit niyang bumayahe para lang makita kmi ni ate na nasa maynila sa panahon na iyon. kwento niya nghihintay raw sila samin noon akala daw nila mgbabaksyon kami. ng alala daw sila ni inay ng lubos ksi hindi kami nakauwi.
kya naman ngbenta sila itay at inay ng kalabaw para mapuntahan kmi at makita ang kalagayan namin.
naawa ako ky itay. hindi makatulog sa gabi, ilang gabi din kasing nandoon kami sa bahay nila kuya ambeng.
at pagkatapos noon. napagpasyahan namin na mgtuloy tuloy sa pagtratrabaho muna doon para makatulong sa knila ni inay.pumayag naman ang tatay.
umuwi mag isa si itay sa baryo namin. malungkot siya pero alam kong maiintindihan niya ako at ang ate.
ang dami niyang habilin . hindi maubos ubos.
hinatid na namin siya sa bus terminal.
13 to 16 hours nga pla ang biyahe mula maynila hangang sa probinsya namin.pero alam kong makakauwi si itay ng matiwasay.