UNANG TAPAK SA MAYNILA!
"kapag may problema kayo nay sulatan niyo ako agad sakin ah.
12 years old palang ako noon nung una kong sabak sa maynila, umiiyak ako sa bus pero pilit kong huwag lakasan kasi katabi ko ang aking pinsan na si kuya raymond. si kuya raymond ang kumuha sakin sa maynila...
mahirap pala mawalay sa magulang..
sa isip ko kung mayaman kami siguro hindi ko kailangan umalis at magtrabaho sa murang edad ko.
lumipas ang buwan, araw at oras 14years old na ako noon nung bigla kaming pinauuwi ng aming tatay at nanay,namatay pala ang aming Lolo,tatay nga pala ng aming itay yun. umuwi si ate,mga pinsan namin galing mynila din.
naistroke pla ang lolo namin.pero bago ang laht, bed ridden daw siya ng isang buwan na.At
may sakit na rin pala kasi si itay namin, wala daw makakasama si inay sa bukid..umuwi ako noon para tulungan ang nanay sa gawaing bukid.
si kuya ko naman na panganay ngtratrabaho sa bayan. gumagawa ng tinapay at ang ate ko naman ay tindera sa bayan, yung isa kong kuya naman ng aaral ng high school.at ako lang ang bukod tanging aasahan nila nanay at tatay sa bukid. "anak huwag kana munang lumuwas sa maynila, mainam na tumigil ka muna at samahan mo ang nanay mo sa bukid ha? sabi ng aking itay sakin.
ok lang naman sakin iyon sa isip isip ko sanay naman ako sa gawaing bukid.
maaga kami palagi umaalis ng bahay ni inay.
at mag gagabi narin kung kami ay maka uwi, minsan sa aming pqglalakbay pauwi ng hapon ng aasta akong lalaki para hindi ako mapansin na babae, natatakot kasi ang inay na baka my bigla na lang humablot sakin.
" Nay nadi paba tayo kakain nagugutom na po kasi ako tara po kain na po muna tayo, "sambit ko"kay inay.
sige anak maghugas na tayo ng kamay at makakain na "sabi rin ni nanay
masaya kaming nananghalian ni inay.dami namin napagkwentuhan, ang dami niyang mga tinatanong sa akin, ano daw ba ang mga ginagawa ko sa maynila nung mga panahon nawalay ako sa knila....umiiyak na pala si inay diko namalayan, naiyak narin ako.
nung mga oras na iyun sinabi ko sa kanya ang mga masalimuot na karanasan ko sa maynila.
dapat hindi ko na lang sinabi or naikwento sa kanya..naawa ako sa nanay ko
kung pwede lang yakapin at sabihin sa kanya na okay lang po inay wala kayo kasalanan, ginawa ko na, mahiyain kasi ako kung nadi niyo naittanong?. hindi kasi ako yung anak na malambing at malapit sa magulang. ako kasi ung anak na dapat "PO AT OPO" lang ang isasagot sa magulang.My trauma na kasi ako.
tanging sorry inay napaiyak kita tuloy sabay sabi kong humuhikbi narin...
pakiramdam ko ang sama kong anak sa oras ng mga iyon,hindi ko na dapat sinabi pa laht, ayan tuloy si nanay napaluha ko, siguro nga mahal lang ako ng nanay ko, hindi man niya ito kayang sabihin sa harapan ko alam kong mahal niya ako.
naiintindhan ko naman na, hind ako kayang pag aralin nila tatay at nanay noon kaya ako umalis at mgtrabaho.
siya nga pala 7 kaming magkakapatid, pang apat ako at pangalawa akong babae sa amin. tatlong lalaki at apat kaming babae.tanging ang sinasaka lamang ni itay ang pinagkukunan namin ng aming pagkain at my mga alagang hayop ang magulang namin. hindi man kami salat sa pera nuon pero masya ang aming pamilya.
Buwan ng Marso nuon at malapit na ang aking kaarawan.
napagkasunduan nila itay at inay na magpicnic sa ilog.ngbaon kmi ng mga pagkain at pangatong na kahoy kasi may kakatayin na kambing. abala sa pgluluto ang mga bisita at kami nmn ni ate, at nanay ay nglalaba.doon narin namin pinatuyu ang mga labahin hapon na ng matapos kmi sa ilog.
kinagabihan noon ay my narinig kaming malakas na tugtog, sabi ng itay sa akin na.." anak mgbihis ka at tumulong. ihahatid ka namin sa sayawan, nakakahiya naman kung hindi ka pupunta, andito ka rin lang tumulong kana doon" sambit ni itay sa akin, namumula ako noon dahil nabilad ako ng araw mghapon sa ilog . pagod din ako pero tulad nga ng sabi ko ako ung anak na tanging "PO AT OPO"lang ang alam isagot.
dumating na kami sa sayawan at hindi na nga ngpatumpit tumpit ang mga binata, talaga namang hindi na ako pinauupo.. at lahat sila ngtataka kung sino daw po ba ako?
"hi binibini kamusta, taga saan ka nga pala at saan ka tumutuloy dito?
" nagtaka ako kasi kilala ko naman sila lahat pero bakit hindi nila ako kilala"nung una akala ko joker lang ang mga binata sa amin at ang masaklap pa kapag kinakausap ako gumagamit sila ng ibang lenguahe.
natakot ang aking itay,nakita kong hindi mapakali ang aking itay kasi itong mga binata samin ay pinalibutan na nila ako, " ang tatay my hawak na batuta sa kamay, sinesenyasa na niya ako na mag exit pero hindi ako maka alis sa sayawan kc mayat maya sinasayaw ako ng mga taga sa amin.hangang sa natapos din ang sayaw at nakahinga na ng maluwang aking mga magulang, ng uusap sila sa daan habang pauwi sa aming bahay, naririnig ko ang sinasabi nila, " dapat pala hindi natin siya dinala sa sayawan" pinagkaguluhan tuloy siya, hindo ko naman akalain na ganoon ang mngyyri sambit ng aking itay.
tahimik akong nglalakad, alam ko kung bakit. natakot ang itay kanina ng biglang ayaw ipahinto ang sayawan kc nga gusto pa daw nila sumayaw hangang umaga, at para daw makilala nila ako. ito naman ksing mga sundalong nakaduty sa amin nabighani daw sa akin. at my isang intel pa ang kuma usap ky itay para ipaalam na minamahal daw niya ako ng lubos, na siya namang nakapgpakaba kay itay pala. handa raw ung intel na gawin ang lahat mapasakanya lamang sana ako. pero hindi pumayag ang aking itay.
pina alis nga ako ng aking mga magulang sa baryo namin, hinayaan nila akong mgtrabho sa maynila ulit kesa daw mag asawa ako ng walang oras sa amin.