"NAG-DECIDE akong mag-grocery ngayon dahil mukhang nag-e-enjoy kayo ni Gift Pauline together, sayang naman kung maputol 'yon kaagad," bulong sa kaniya ni Marco Polo habang magkaagapay sila nitong naglalakad. Nauuna sa kanila sina Gift Pauline at Ate Celia, na pinapunta nito sa grocery dahil ito nga ang nakakaalam ng kung ano ang bibilhin do'n. Hindi rin niya alam, nagulat na lang siya na tahimik na silang magkaagapay na dalawa habang nakasunod lang sa kasambahay at anak nito na siyang mga namimili na ng kung ano-ano. S'yempre, may tulak siyang sarili niyang cart at gano'n din naman 'to. Isa ang ganitong tagpo na isinalarawang diwa niya noon sa balintataw niya ng maraming beses. 'Yong sabay sila nitong magpupunta sa grocery... sabay na mamimili ng mga basic needs... Oh, dapat din n

