71: NIGHTMARE

1035 Words

SH'T, si Paula Sandoval! Kaagad na nagtago si Raegan nang matanaw niya ang nanay ni Marco Polo Sandoval sa ospital na 'yon. Ano ang ginagawa nito ro'n? Ang mas mahalagang tanong ay dapat ba niyang i-report 'yon sa anak nito? O sa anak-anakan nito na si Alejandro Sandoval? Tsk, may mas mahalaga pang tanong kesa ro'n—bakit siya nagtatago? Hindi naman siya kilala nito. Tanga rin talaga siya kahit kailan. Hindi niya 'to dapat na taguan. Bagkus ay mas dapat niya ngang pasimpleng sundan. Buntonghininga na inayos niya ang cap niya. Kanina ay nasa likod niya 'yon. Ngayon ay kailangan niyang kahit paano'y maitago ang mukha sa sasalubungin niya abogada s***h socialite. Hindi niya gugustuhin na makilala siya nito. Mahirap na, paano kung magkaroon ng pagkakataon na magkita sila nito nang 'di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD