"WE need to talk," anang baritong tinig na 'yon. Literal na nagulat si Monaliza sa biglaan na pagsulpot at pagsasalita ni Marco Polo nang makaakyat siya sa punong baitang ng hagdan. Nahimas niya ang sariling dibdib sa gulat, in fact. Naroon 'to, nakatayo, nakasuot na ng terno pajamas na halatang naghahanda na sa pagtulog. Nakakrus ang mga braso at dibdib at halatang hinintay siyang makaakyat. Kung bakit ay hindi niya alam. Sumagap siya ng hangin. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa basa niyang buhok. Binabaan nita 'to ng tingin. Hindi niya alam, bigla na lang parang nalusaw siya sa titig nito, to think na hindi naman siya nakahubad. Nakaroba na siya. Ang hiya na kanina ay nanahan sa kaniya sa pagsusuot ng two piece ay tapos na. Nagpasalamat nga siya na hindi siya nakita nito, pero mu

