DAPAT na niyang ipa-soundproof ang kabuuan ng k'wartong inookupa niya sa bahay na 'yon ng mga Olivarez. 'Yon ang naglalaro sa isipan ni Marco Polo sa mga oras na 'yon habang tulala siyang nakatitig sa kisame ng k'warto at hindi naman makatulog. Okay, mas tama yatang sabihin niyang pinipilit niyang makatulog dahil alam niyang malabo naman 'yong mangyari. O baka panahon na yata para umalis silang mag-ama ro'n? Nah, hindi magugustuhan ng anak niya ang idea. Katulad ni Kate ay napakamaramdamin ng anak niyang si Gift Pauline kaya alam niyang hindi rin nito magugustuhan kung sakaling sabihin niyang magkakaroon na 'to ng kapatid at ang nanay niyon ay si Monaliza. Kaya nga ba nabanggit na niya ang tungkol do'n sa doktora. Pero hindi naman makatao ang paraan ng pagkakabanggit mo... pang-uusi

