NAKAGAWIAN na ni Marco Polo ang pagsilip sa terasa ng k'warto niya sa tuwing nagigising siya. Sumisilip siya ro'n dahil siguradong nando'n din naman ang kasambahay ng mga Olivarez na si Celia na nagdidilig ng mga halaman tuwing umaga. 'Pag natanaw na siyang gising nito ay igagawa siya nito ng kape at dadalhin nito 'yon sa k'warto niya. Naliligo na kasi siya pagkatapos niyang magkape. Ngunit nakakapagtaka na wala ngayon si Celia. Ngayon lang nangyari 'to ah. Ipinilig na lang niya ang ulo, bumuntonghininga at saka pinasya niyang bumaba na lang para siya na ang maghanda ng kaniyang kape. Siguro ay busy si Celia. "Ate Celia?" pagtawag niya pa sa kasambahay nang bumababa na siya ng hagdan. Ngunit wala pa rin 'to talaga. Pinasya niyang magtungo na lang sa kitchen. Buntonghininga, siya na

