START again, huh... Kanina pa pinaglalaruan ni Marco Polo sa isipan niya ang sinabing 'yon ni Monaliza. Of course, hindi niya nakuhang sumagot. Ni isang salita, wala 'tong nakuha sa kaniya. Tinitigan lang niya 'to at kung nagtagumpay man siya na maitago ang pagkagulat niya sa narinig mula rito ay binabati niya ang sarili niya. Pero hindi siya sigurado. Again, masyadong nakakagulat ang salitang 'yon sa pandinig niya. Start again? Seriously? Ano ba ang gusto nitong ipatungkol sa tinuran? Start, as in, magsimula sila kung saan sila nahinto noon? Or start na maging okay sila ulit at mag-pretend sila na balewala na ang mga salitaan na pinukol nila sa isa't-isa? Napabuntonghininga siya. Saka siya tumayo at humarap sa salaming bintana ng opisina niya kung saan tanaw ang mga kapitbahay ni

