"ANONG klaseng eskandalo?" Ayaw man niyang magtunog eager na malaman mula sa pinsan kung ano ang kinasangkutan ni Monaliza na eskandalo ay hindi na naman niya mababawi ang naging reaksyon. Besides, hindi naman ibang tao ang pinsan sa kaniya. In fact, kung may taong higit na nakakakilala sa kaniya ay ito nga at si Elice 'yon. Oo, wala na siyang ibang kaibigan na masasabing mapagkakatiwalaan, ang dalawang pinsan lang. Tinuruan sila ng lolo nila na dahil sa yaman na mayroon sila, hindi sila maaaring magtiwala na lamang sa kahit na sino kung ayaw nilang mapahamak sila. Kaya nga ba ang naging running joke sa pagitan nila ni Alejandro ay ang pagtiisan ang isa't-isa. Na kahit iniwls siya rito dahil sa nakukuha nitong special treatment sa daddy niya ay wala naman siyang magagawa kung hindi an

