ISANG malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Raegan nang makarating siya sa mismong k'warto ng pribadong ospital na 'yon kung saan huling nakita ang pamilya Olivarez—ang private hospital room na inokupa ni Kate Olivarez pagkatapos ng emergency operation nito, weeks ago. Kahit wasak na 'yon gawa ng malaking sunog at malakas na pagsabog ng bomba sa pamosong ospital na 'yon ay bakas pa rin ang karangyaan ng paligid. Buhay pa ang ibang mga mamahalin na materyales do'n. S'yempre, mahal kaya mas mahaba ang buhay, pero ang masaklap, kahit anong yaman mo, kahit anong tibay ng gamit o materyales na meron ka na afford mo dahil sa pera mo ay sa isang iglap—boom! 'Yon ang mga naglalaro sa isipan niya habang nakapamulsang nilalakaran niya ang partikular na spot na 'yon ng ospital. Habang mas

