PAG-AKYAT ni Hera sa kanyang silid ay siya namang pagtunog ng kanyang cellphone. Nang tignan niya ay si Lexie ang tumatawag. Napagpasyahan na niya itong sagutin since ilang days niya rin iniwasan ang mga tawag nito dahil nga sa gusto niya munang mapag-isa. "Lex," mahina niyang bungad sa kaibigan na nasa kabilang linya. "You've been avoiding me for the past few days, c'mon Hera, galit ka pa rin ba sa akin?" iyon agad ang sinabi nito. Nais matawa ni Hera sa tila armalite na bunganga ni Lexie. Well, sa totoo lang ay namiss niya ito. "I'm sorry. Kinailangan ko lang ng oras for myself para makapag-think no. So, anong balita?" aniya na pilit pinasigla ang tinig. "Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Anong balita sa'yo? How are you? Kamusta kayo ni Nisha, nag-usap na ba kayo?" Usisa nito sa k

