PAGKALIPAS ng tatlong araw na pahinga, napagpasyahan na ni Hera na pumasok sa kanyang shop. Wala naman siyang mapapala kung magkukulong at magmumukmok na lamang siya sa kanilang mansion. "Papasok ka na?" Tanong ni Harry sa kanya nang makasalubong niya ito sa kanilang grand staircase. Bihis na rin ang kuya niya at handa na rin pumasok sa opisina. "Yep, kuya. I'm so naiinip na here e," aniya sa kapatid at nilampasan ito. Nagtuloy-tuloy na siya sa garahe at lumulan sa kanyang kotse. Habang nasa daan ay malalim ang kanyang iniisip. Kagabi ay nakapagdesisyon na siya, desisyon na alam niyang mas makakabuti para sa lahat. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na siya sa Hera's sanctuary. Medyo madami-dami na ang mga customers at natuwa naman siya doon. Habang tumatagal ay nakikilala an

