OO, masakit na masakit ang loob niya. Bakit ang lahat ay alam, siya lang ang hindi? Anong meron sa exhibit na iyon na hindi niya pwedeng malaman? Ang exhibit nga ni Nisha ang pinakahihintay niya kung sakali, dahil alam niya ang pinagdaanan nito at ang hilig niya sa pagpinta. "Hera!" Dinig niya ang sigaw ni Lexie bago siya sumakay sa kanyang kotse na nakapark sa labas. "Hera please, let me explain naman," ani Lexie na hinawakan siya sa braso nang makalapit sa kanya. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kanyang braso at hinarap ang kaibigan. "Explain? For what pa? Nagmukha na akong tanga doon kanina. I thought your my friend? Of all people, kayo pa nina Nisha at Kuya ang gaganito sa akin?" Panandalian siyang tumigil sa pagsasalita dahil tila mauubusan siya ng hininga sa sobrang hin

