"WHOAH!" walang tigil na sigaw ni Hera habang umiindayog sa malakas at maharot na musika ang kanyang katawan. Itinataas pa niya ang hawak na kopita at talagang sumasabog na ang mahabang buhok sa kanyang pawis na pawis na mukha. Ngunit wala siyang pakialam, nag-eenjoy siya sa kasiyahan. Pagkatapos kasi ng kasal kanina ay diretso reception na sila kung saan napagpasyahan niyang uminom nang sumapit ang gabi. May tama na nga siya at talagang sinadya niyang magpakalasing, para kahit paano ay maibsan ang lungkot at pait na kanyang nararamdaman. "Hera, we need to go," maya-maya pa ay sabi sa kanya ng Kuya niya na halos sumigaw na dahil napakalakas ng tugtog. "Wait ka lang, kuya. I'm enjoying pa e, don't be KJ naman," maarteng turan ni Hera na walang tigil sa pag-indayog ang katawan. Alam nam

