"HI, COUSIN ZIC." Napatingin si Zic sa bumati sa kanya habang papasok ng mansion ng kanyang Lola Amor. Si Cassidy iyon na nakasandal sa amba ng pinta habang naka-cross arms at ngumunguya ng bubble gum. Umuwi kasi siya sa Hacienda Amor ngayong linggo upang dalawin ang kanyang lola. "Hey. Buti narito ka?" Usisa niya sa pinsan na ngayon naman ay nagsisindi ng sigarilyo. "Obvious ba? Dinadalaw ko ang lola, it's sunday," anito na bumuga ng usok. "Don't smoke here, Cas. Baka maamoy ng lola 'yan," paalala niya sa pinsan na minsan mabait at madalas ay pangit ang ugali at kasingtigas ng adobe ang ulo. Hindi umiik si Cassy pero lumabas sa may terrace, sinundan naman niya ito at nanghingi ng sigarilyo at sinindihan iyon. "Sino na ang mga narito? Umuwi ba sina Kuya Leon? Kuya Rigel o kaya ang

