"WHAT?!" angil ni Hera kay Lexie na napapansin niyang kanina pa pangiti-ngiti sa kanya ng nakakaloko. "What?" Balik tanong ni Lexie sa kanya na tumawa pa ng nakakaloko. Inirapan niya lang ang kaibigan at nakasimangot na tumingin sa payapang karagatan. Sailing sila ngayon. Sirang-sira ang araw niya dahil sa natatandaan pa niya ang pinagsasabi ni Zic sa kanya kahapon. Kaya ganoon na lang kung asarin siya ni Lexie dahil nakwento niya rito ang mga naganap. "Dinalhan ko kayo." Kapwa sila ni Lexie na napatingin kay Nisha na lumapit sa kanila at inabot ang mga prutas na dala. "Salamat, Nisha," masiglang sabi ni Lexie at ito ang umabot sa mga dala ni Nisha. Siya naman ay hindi kumikibo. Hindi siya galit kay Nisha o ano pa man. Sadyang na-awkward lang siya sa mga nangyayari. Umupo si Nisha

