KINABUKASAN, ginawa ng grupo ang mga water activities na gusto nila. Kayaking, scuba diving, snorkeling, sailing at kung anu-ano pa. Pero bakit sadyang hindi maenjoy ni Hera ang mga ginagawa nila? Dahil ba wala sa water activities ang focus niya? Kung hindi dahil focus siya sa pagmamasid sa dalawa. Kina Zic at Nisha na tila close na close. Kita naman niya kung paano iwasan minsan ni Nisha si Zic, pero si Zic ang dikit na dikit sa babae. "Baka matunaw na sila ah?" Biglaang napalingon si Hera sa nagsalita. Ang kuya Harry niya iyon. Napanguso ang dalaga na tila batang nais magsumbong sa kuya. "Look at that monster. Hindi ko alam kung ginagamit niya si Nisha para mapalayo ako or what." Natawa ang kuya niya at lumapit sa kinatatayuan niya. Nasa dalampasigan sila noon at ang iba nilang kasa

