NAIKUYOM ni Hera ang mga kamao, habang pinapanood sa hindi kalayuan sina Nisha at Zic na nag-uusap. Nakaupo ang mga ito sa puting buhangin ng Calatagan beach resort, habang papalubog ang araw. Halos kadarating lang nila sa resort at bukas na sila mag snorkeling at gumawa pa ng ibang activities. Hindi mapigilan ni Hera ang pagsikdo ng mumunting sakit sa kanyang puso, dahil sa tanawing nakikita. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya kung paano titigan at ngitian ni Zic si Nisha. Siya dapat iyon, hindi dapat si Nisha. Umaandar na naman ang pagka-brat niya pero pinigilan niya. Ipinaalala niya sa kanyang sarili na kaibigan niya si Nisha. "Ummm... Sakit ba sa mata?" Kahit hindi siya lumingon, alam niyang si Lexie iyon na tila nang-aasar pa. "Shut up, Lex," mataray na sabi niya

