"WOW! ang ganda naman niyan," pansin ni Lexie sa suot na kwintas ni Nisha. Magkakasama sila ngayon matapos ang isang linggo na hindi nagpakita sa kanila si Nisha. Nasa Hera's Sanctuary sila nang mga sandaling iyon. Lumipad ang tingin ni Hera sa leeg ni Nisha, at totoong maganda nga ang diamond necklace nito. Ang mas nakakuha sa atensyon niya ay ang pendant nito na tila infinity sign. "S-salamat. Binigay ito ng mommy ko," ani Nisha at wala sa sariling napahawak sa pendant ng kwintas nito. "It looks good on you," sabat naman ni Hera sa usapan. Tinignan siya ni Nisha at nginitian. "Hi everyone!" Halos sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa nagsalita. Talagang nabigla si Hera nang makita kung sino iyon. Si Zic na nakatayo sa hindi kalayuan sa pwesto nila at todo ngiti ito sa kanila

