CHAPTER 61 ARWIN’S POINT OF VIEW Hindi na lahat humihinga. Hindi nagsasalita. Magawa ba niyang posible ang isang imposible? Swak! Putang ina! Pasok ang bola. "Yes!" singhal ko. Napaluha ako sa saya. Naitaas ko pa ang kamao ko. Lumapit ako sa kaniya. Inakbayan ko siya at ginulo ko ang buhok niya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kaniya. Itinaas niya ang palad niya para mag-apir kami. Nagtagpo ang mga palad namin at hindi na niya iyon binitiwan. Magkadaop ang mga palad namin nang hinila niya ako para yakapin. Mahigpit ang pagkakapisil namin sa mga palad ng isa't isa na nasa pagitan ng aming mga puso. Nagkatitigan kami na may tipid na ngiti na nakaguhit sa aming labi. Tama ako sa pagbibigay ko sa kanya ng aking tiwala. Hindi niya ako kailanman bibiguin. Hindi mauuwi sa wala an

