CHAPTER 62 ARWIN’S POINT OF VIEW Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa aking balikat. Si Breana. Bumubuka ang labi niya ngunit wala akong marinig. Alam kong may sinasabi siya ngunit bakit wala akong maulinigan at tanging parang matinis na tunog lang ang gumuguhit sa aking pandinig. Tinakpan ko ang aking tainga. Naroon pa rin ang ugong na hindi ko alam kug saang nanggagaling. Huminga ako nang malalim. Pumikit ako. Kailangan kong maging kalmado. Kailangan kong isipin na okey lanng ako. Hindi ko sasabihin kay Breana na di ko siya naririnig. Hindi niya dapat malaman ang mga simtomas na ito. "Okey lang ako." sagot ko pero pati ang tinuran kong iyon ay di ko narinig. Kahit sobrang sakit na ang ulo ko ay pilit kong inabot ang tubig na iniaabot niya sa akin saka ako tumungga. Pinilit kon

