Chapter 63 Arwin's Point of View Nakita ko ang pagluha ni Breana. Alam kong tanda iyong ng di niya inaasahang matinding pagmamahal ko sa kaniya. Masakit sa akin na makita si Anne na lumuluha sa harap ko ngunit sa tuwing dinadaya ko ang tunay kong nararamdaman, masasaktan at masasaktan ko siya ng paulit-ulit. Hindi ko na kailangan pang patagalin ang pagdurusa naming tatlo. Gusto ko ring ipamukha kay Anne na hindi niya kami matatakot pa. Na kahit pa ibunyag niya ang kasarian ni Breana ay hindi iyon ang dahilan para masira an gaming relasyon. Maaring masira niya ang pagkatao namin, ang career namin ngunit hindi kailanman siya magtatagumpay na paghiwalayin kami. "Magpapalit lang kami. Mag-uusap-usap tayo nang tayo lang. Huwag dito. Huwag sa harap ng mga ka-team ko," kalmado kong sinabi iyo

