CHAPTER 64 "Arwin, kailan lang nang sinasabi mo rin sa akin 'yan? Bakit ambilis naman. Ilang taon tayong nagsama tapos sa isang iglap mawawala na lang na parang bula yung pagmamahalan natin? Ano 'tong ginagawa mong ito sa akin! Bakit mo nagawa sa akin ito! Bakit kailangan ako ang hihiwalayan mo e wala naman akong kasalanan sa’yo? Wala akong ginawa para saktan mo ako ng ganito!" puno na ng luha ang mukha ni Anne. Naroon ang magkahalong pagkalito at sakit. Yung kagustuhan niyang baguhin ang nararamdaman ko at marinig mula sa akin ang katagang gusto niyang marinig kaya lang hindi ako 'yon. Hindi ko kayang magsabi ng hindi bukal sa aking kalooban. "I'm sorry. Maraming iba riyan na kayang ibigay yung hinahangad mong pagmamahal." ginagap ko ang palad niya. "Pero ikaw ang mahal ko. Ikaw lang a

