CHAPTER 65 ARWIN’S POINT OF VIEW "Brean, huwag. Ayaw ko!" Isinara ko ang pinto. Hinila ko siya at niyakap muli mula sa kaniyang likod. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at kitang-kita ni Anne iyon. Gusto kong masaksihan niya iyon para magamit niya ang sakit na iyon at tulungan ang sarili niyang kalimutan ako. "Ano ba! Anong ginagawa mo? Arwin natutuwa akong ipinararamdam mong mahal mo ako pero naman!” itinulak niya ako. “Manhid ka na ba? Alam ko mahal mo ako pero si Anne, minahal mo rin naman 'yan. Konting pagbibigay naman ng pagpapahalaga sa pinagsamahan ninyo. Please?" singhal niya sa akin. "Hindi mo ako naiintindihan e!" sagot ko. Gusto kong sabihin sa kaniya yung takot ko. Gusto kong ipagtapat sa kanila ang mga simtomas na nararamdaman ko. Paano kung bukas hindi na ako magigisin

