CHAPTER 111 BREANA’S POINT OF VIEW Alam nina Mommy at Daddy na magbabakasyon ako sa tita ko sa Singapore ng isang buwan o higit pa. Gusto nila akong ihatid sa airport ngunit tumanggi ako. Ako man ay hindi ko kasi alam kung matutuloy ako o hindi. Kinakabahan pa rin ako kung ano ang magiging kinalabasan ng lahat. Bawat pagdaan ng segundo at palapit nang palapit sa oras sa itinakda kong pagkikita namin ni Arwin ay lalong bumabalik sa akin ang lahat. May bahagi sa akin na nagsisisi kung bakit hindi ko na lang siya tinanggap at hayaan na lang si Anne. Pero mas masarap pa rin kasi sa pakiramdam na dumaan na kami sa tamang proseso kahit pa sabihing hindi naman talaga laging patas ang pag-ibig. Sana pagdating ko sa park hinihintay na ako ro'n ni Arwin. Kahit iniiwasan kong isipin iyon dahil mag

