CHAPTER 110 BREANA’S POINT OF VIEW Pagmulat ko ay nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa ulo. Medyo naparami nga ako ng inom kagabi. Naroon pa rin si Arwin sa tabi ko. Mahimbing na natutulog. Paano ba ako kikilos na hindi siya magising? Naaalala ko lahat ang nangyari kagabi. Muntik nang may nangyari kaya lang nakapagpigil pa ako. Napigilan ko siya. Naibuhos ko tuloy ang galit ko sa kaniya ngunit dala ng kalasingan ay hindi ko na nalabanan pa ang paggupo sa akin ng antok. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng pintuan. Mag-aalas sais na ng umaga. Bakit kaya naroon pa siya? Ikakasal siya sa ganap na alas diyes ng umaga ngunit bakit hindi pa siya umaalis? Dahil nakaunan siya sa dibdib ko ay hindi ako puwedeng bumangon na di ko siya magagalaw o magigising. "Uyy, Arwin, gumising ka

