CHAPTER 108 BREANA’S POINT OF VIEW Sa isang iglap ay hinila niya ako, mahigpit na hinila ng kanang bisig niya ang baywang ko at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang mukha at kisap-mata, natagpuan ko na lamang ang labi kong nakalapat sa labi niya. Parang isang malaking ipu-ipong hinigop ako ng marubdob niyang halik. Mapusok, mainit at ramdam ko ang tindi ng pinagmumulan niyon. Napapikit na lang ako, nagpaubaya, sandaling lumaban hanggang sa biglang bumalik sa isip kong mali ang ginagawa ko hanggang hindi niya hinihiwalayan o hindi ko naririnig sa kanya na iaatras na niya ang kasal nila ni Anne. "Hindi puwede! Hangga’t hindi mo sinasabing ako ang paninindigan mo hindi tayo pwedeng ganito!" itinulak ko siya. Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Nakipagtitigan

