CHAPTER 81 Arwin's Point of View Pagmulat ko ng aking mga mata mula sa mahabang pagkakaidlip ay naramdaman ko agad ang sobrang pagkirot ng aking ulo. Wala akong maaninag. Ang dating madilim kong paningin ag unti-unting lumiwanag ngunit wala akong kahit anong maaninag. Liwanag lang ang nakikita ko at kahit gusto kong kilalanin ang mga nasa paligid ko ay puro mga anino lang nila ang aking nakikita. Nalilito ako at naguguluhan. Wala akong matandaan sa kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung nasaan ako? Wala sa kabatiran ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko? Blangko. Wala akong matandaan. Kahit gusto kong magsalita at magtanong ay hindi ko maibuka ang aking mga bibig. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita, kung ano ang aking sasabihin, kung sino ang aking kakausapin. Pakiramdam ko

