CHAPTER 78 BREANA’S POINT OF VIEW Hanggang sa sumagi sa isip ko ang mg aka-team ko noong varsity pa ako sa college. Lahat sila ay tinawagan ko ngunit may mga kanya-kanya silang mga dahilan. Isa lang ang tanging nagmamadaling nakipagkita sa akin at nagkukumahog na puntahan kung nasaan man ako Cryztalciel o Crista sa palayaw niya. “Anong nangyari at bakit nagpagupit ka ng panlalaki?” tanong agad niya sa akin. Bestfriend ko si Crista mula High School pa ako ngunit nitong mga huling buwan, naglihim ako sa kanya. Hindi ko sinabi ang tungkol sa aking pagpapanggap dahil nga gusto namin na sa pamilya na lang namin ang sikretong iyon. Mahigpit ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking likod. “Anong ngang nangyari? Lagi ka kasing may rason sa tuwing inaaya kita

