CHAPTER 79 BREANA’S POINT OF VIEW Ngunit napaisip din ako. Ano bang ipaglalaban kong karapatan? WALA! Kailangan ko na talagang magkaroon ng rent to own na apartment o condo. Sapat na rin naman ang naipon kong pera para gawin iyon. Maghihintay akong babalik si Arwin. Gagaling siya. Lahat ng paghihirap kong ito? Matatapos rin. Humanda yang si Anne na ‘yan. Ngayon pa na kilala ko na talaga ang kanyang kamalditahan? Maraming naglabasang espekulasyon sa TV at pahayagan tungkol sa amin ni Arwin ngunit nanatiling tsismis ang lahat. Haka-hakang hindi na napatunayan dahil natabunan ito ng delikadong kalagayan niya. Araw-araw maraming mga fans ang kasama ko sa labas ng hospital. May mga babae't lalaking nagpapaabot ng mga kung anu-anong gifts at nagmumukha akong isa lang sa kanila na hindi mak

