CHAPTER 67 ARWIN’S POINT OF VIEW Hindi ako matutulog na hindi ko masabi kay Breana yung takot ko. Madalas ko nang nararamdaman yung mga symtoms na sinasabi sa akin ng aking doktor. Kailangan ko nang magdesisyon bago pa tuluyang may masamang mangyari sa akin. Gusto kong bago mangyari ang kinatatakutan ko ay nasa tabi ko siya. Naayos ko na ang gusot na pinasukan niya. Wala na siyang magging problema. Mukhang okey na rin si Anne sa akin. Si Breana na lang ang aking iniisip. Gusto kong gugulin ang buhay ko ng masaya kasama ng mahal ko. Mabilis akong kumanan. Pupuntahan ko siya kanila. Mag-aalas dose ng gabi at alam kong tulog na ang lahat pero nasa harap na ako ng gate nila. Nanginginig ang hintuturo ko, nagdadalawang isip kung itutuloy ko ang pagpindot sa buzzer ng gate nila. Pero nandoon

