Chapter 68 Breana's Point of View Wala sa plano kong iwasan si Arwin ng kahit isang saglit ngunit nang makita ko kung gaano kasakit kay Anne na tanggapin ang lahat ay nagdesisyon akong bigyan muna siya ng sapat na panahon. Kailangan ni Anne iyon. Panahong hindi ko noon naibigay kay Carlo. Ngunit hindi ko alam na ganoon pala kasakit ang magparaya. Yung alam mong sa'yo, ikaw ang mahal at ikaw ang pinipili ngunit binibitiwan mo siya pansamantala dahil hindi pa napapanahon, dahil may mga nasasaktan kaat maaapektuhan kang iba. Yung sakit na bitiwan mo siya kahit sandali lang. Yung hirap siyang suko kasi ayaw niyang bumitiw sa pagmamahalan ninyong dalawa. Mahal ko si Arwin, kawangis ng pagmamahal ko sa aking sarili. Ang pag-iwan ko sa kaniya sa kabila ng matinding pakiusap niya ay parang ma

