NANG makalabas na si Rina sa ospital ay nagplano kaming tatlo ng version namin ng Prom night. Kaso lang ay walang escort si Rina kaya’t nagpasya kami na itaon na lang ang theme na iyon sa 16th birthday ko. Nong nag 16 sina Rina at Serge ay isang magarbong party ang inihanda ng kanilang mga magulang. Buong section namin ay dumalo sa birthday at may 16 candles pa at 16 roses. Naalala kong naiinis si Serge noon dahil ayaw naman niya ng party at maraming seremonyas kaso pilinilit siya ni Rina at ginamitan ng taon-taon nitong banat na “Birthday gift mo na lang sa akin kapag nag-party tayo.” Nang sinabi ko kay Mama ang plano naming party ay pumayag kaagad ito. Nag-hire pa sya ng magtutulong na magplano ng party ko. Junyo uno ang selebrasyon at isang Coming out Sweet 16th Ball ang tema

