SALAMAT kay Serge ay nakabawi agad ako sa mga namiss ko sa klase. Tuwing gabi ay nagpupunta siya sa bahay namin para i-tutor ako sa mga lesson na na-miss ko. Sa hapon paguwi ng bahay ay binabasa ko muna ang mga notes na isinulat niya para sa gabi ay mag-aaral na lang kami at titingnan niya kung may mga hindi ako naintindihan. Natutuwa ako tuwing makikita ko ang penmanship niya sa notebooks na ginamit niya para sa ‘kin. Hindi maganda magsulat si Serge noon ngunit sa mga notes ko ay gumanda ang sulat niya at mukhang nag-effort talaga siya na masigurong maiintindihan ko ang bawat letra. Dahil sa tulong niya at gabi-gabi naming pag-aaral nakatapos kami ng second year high school na may honorable mention kami ni Rina habang si Serge naman ay top 1 sa Year level namin. Napapangiti ako kapag naa

