SIMULA ng araw na iyon sa hotel ay hindi na kami nagusap ni Arturo. Matapos ang graduation nabalitaan kong nagpakasal siya sa isang babaeng nabuntis daw niya. Noon ako nakaramdam ng takot lalo na at hindi pa ako dinadatnan simula ng gabing naging makasalanan ako sa taong mahal ko. Dahil sa nangyari sa amin ni Art, hindi ko magawang ibigay muli ang sarili kay Serge. Pakiramdam ko ay madumi akong babae at hindi ko dapat ibigay ang sarili ko sa kanya. Inakala niyang gusto ko lang na mapreserve ang honey moon night namin sa mismong araw ng kasal kaya’t nagkasya lang siya sa ibang base na ginagawa namin madalas na dalawa. “Mahal, engagement party natin mamaya bakit parang matamlay ka?” Nasa kwarto ako ni Serge. Doon ako nanatili simula tanghali dahil sa engagement party namin ng gabi. Doon ko

