NAPAGPASIYAHAN namin ni Serge na magpakasal muna sa Pilipinas bago lumipad patungong America. Dalawang linggo bago ang kasal ay may nagpakitang taong hindi ko inaasahang makikita kong muli. “Lina, may mga bisita ka sa baba,” sabi ni Manang Dora nang katukin ako sa silid. Dahil maliit ako magbuntis, hindi ko kailangang magsuot ng maternity clothes. Bukod sa walang ibang nakakaalam maliban sa amin ni Serge ng kalagayan ko, hindi ko rin gustong maging komportableng buntis nga ako. Nakapantalon at maluwag akong t-shirt nang bumaba ako para tingnan kung sino ang aking bisita. Pagbaba ko ng sala ay naroon ang dalawang taong hindi ko gustong makita. Agad na tumayo ang dalawa mula sa pagkakaupo sa kahoy namin sofa. “Lina, kumusta ka na?” tanong ni Arturo na mukhang namayat at tumanda ng ilan

